PANG. DUTERTE, NAGHIHINTAY PA RIN SA RESULTA NG IMBESTIGASYON NG PHIL-CHINESE AUTHORITIES SA RECTO BANK COLLISION INCIDENT.
Para maging balanse po tayo mga kababayan, Pakinggan at panoorin po natin ang panig ng Duterte gov't....Narito ang excerpts ng press conference ni PRESIDENTIAL SPOKESPERSON SEC. SAL PANELO sa hit and run incident ng Chinese vessel sa mga Pinoy fishermen sa Recto bank:
“May mga circumstances that give doubt to the version, kaya kailangan imbestigahan natin, formal inquiry na ang kailangan dito. Kaya tama si Presidente, the President is a very cautious person as a lawyer he is trained to listen to all sides, especially because there are adversarial claims, iba-iba ang version kaya lalong nagiging maingat siya.
Kasi he doesn’t want this to blown as an international crisis given the fact that na matagal din na nabago yung relasyon from the time the previous administration na masama ang relasyon, ninonurture nga ito, inaayos ni Presidente, nagkaroon ng magandang warm relations, trade relations. Inaalagaan nya ito at the same inaalala rin nya ang kapakanan ng 320,000 OFWs sa China.
At the same time, iniisip nya rin ang kapakanan ng mga Pilipino na nagpi-fish sa Recto bank.
Yun ang mga binabalanse ni Presidente, we can understand of course, the outrage of our countrymen, kasi lahat naman tayo na-outrage, kasi nga yun ang dating sa atin, sinadya, binangga, iniwan. Natural mag-re-react nga tayo.
(Credit: RTVM)
No comments:
Post a Comment