Tuesday, June 18, 2019

MGA OPISYAL NG PNP CALABARZON NA KINASUHAN NG NBI NG OBSTRUCTION OF JUSTICE KAUGNAY SA KASO NI RICHARD RED SANTILLAN

MGA OPISYAL NG PNP CALABARZON  NA KINASUHAN NG NBI NG OBSTRUCTION OF JUSTICE KAUGNAY SA KASO NI RICHARD RED SANTILLAN


Nanumpa sa kanilang mga kasinungalingan sina P/BGen Edward Carranza, Regional Director ng PNP Calabarzon; P/Col. Lou Evangelista, Provincial Director ng PNP Rizal; at P/Lt. Col. Pablito Naganag, Chief of Police ng Cainta Municipal Police Station, sa harap ng mga prosecutors ng Department of Justice, kahapon.


Gen. Carranza habang nanunumpa sa harap ng prosecutor ng DOJ

Ayon sa NBI, dawit ang 3 opisyal na ito sa kaso ng pagpatay kay Richard Red Santillan at isa pang babaeng biktima na ginawa ng kanilang 20 tauhan noong December 9, 2018 sa Cainta, Rizal.
Kinasuhan ng NBI si Gen. Carranza dahil sa pagpapakalat ng maling impormasyon (fake news) sa hearing ng Senado mismo kung saan nanumpa siya pero kasinungalingan ang kanyang sinabi na lehitimong operasyon ang pagpatay sa mga biktima.
Maari ring kasuhan si Carranza ng perjury dahil dito.
Kinasuhan ng NBI sina Evangelista at Naganag dahil sa pagluto (fabricate) ng maling impormasyon tungkol pamamaril ng kanilang mga tauhan na ikinasawi ng mga biktima.
Nauna nang inireklamo sina Carranza, P/BGen. Jose Rayco, P/Lt. Col. Serafin Petalio II, P/Lt. Col. Jonathan Calixto at P/Lt. Col. Pierre Paul Carpio sa Ombudsman ng kaparehong obstruction of justice.
Sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos unang naging criminal act ang obstruction of justice o pagpigil sa paggulong ng hustisya, at pagsakdal at pagdakip ng mga kriminal.

Matatandaang si Richard Red Santillan ay dinukot, pinaglaruan, pinahirapan, pinatay at sinet-up ng 20 tiwaling kapulisan ni Carranza doon sa kanyang territoryo sa Rizal noong December 9, 2018.


(ctto: Glen Chong)

No comments:

Post a Comment

PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE ADDRESSES THE NATION - KUMUSTA MGA MAHAL KONG KABABAYAN KONG FILIPINO

-Galvez: Posibleng ma-extend nang 15-20 araw ang enhanced community quarantine  -PACC Commissioner Manuelito Luna, na gustong paimbestigah...