NAGPAPASAKLOLO AT NAGMAKAAWA NG TULONG ANG 23 NA OFW KAY PANGULONG DUTERTE, IPINAABOT NG OFW-AGV ANG KASO SA AKSYON BANTAY OFW
Isang buwan na umanong walang trabaho at walang suweldo ang mga kabaya nating OFW sa Riyadh Saudi Arabia. Ang mga ito ay pinaalis ng ahensiyang East West Placement Agency dito sa Pilipinas, at wala anya itong naging aksyon sa kanilang mga hinaing.
Ipinapaabot ng mga OFW naito ang kanilang pag hingi ng sakloo at nagmamakaawa sa ating gobyerno at kay Pangulong Duterte na mabigyan silang ng karampatang Aksyon.
Tumutulong din sa kanila ang volunteers group na OFW AGV- Assistance Volunteers Group, ayon sa kanilang founder na si mr. Jeffrey Balsa ay naipagbigay alam na nila sa Embahada at sa POLO OWWA ang mga hinaing na ito, ngunit hanggang sa ngayon ay naghihintay pa din sila ng update.
No comments:
Post a Comment